Iniutos na ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang pagtaya sa kawalan ng pinsala ng Bagyong Auring sa mga agricultural areas sa ilang rehiyon sa bansa.
Sa pagtaya ng Agriculture Department, lubhang maapektuhan nito ang ekta-ektaryang pananim na palay at mais.
Gayunman, may mga interbensyon nang inihahanda ang DA para sa mga magsasaka kung sakaling masira ang kanilang pananim.
Base sa forecast ng PAGASA, kaninang alas-5:00 ng umaga huling namataan ang Bagyong Auring sa 195 km East ng Maasin City, Southern Leyte.
Gumagalaw ito pakanluran hilagang Kanluran sa bilis na 15 kph.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 km/oras malapit sa gitna at bugso ng hanggang 55 km/oras.
Bagama’t patuloy na humihina ang bagyo habang papalapit sa Dinagat Island at Homonhon Island area, nakataas pa rin sa maraming lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao ang Tropical Wind Signal Number 1.