Inilipat na ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang mga logistics sa National Food Authority (NFA) upang matulungan ang ahensya na makapamili ng palay mula sa mga magsasaka.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ipinasakamay na ng mga regional offices ng DA ang kanilang mga grains dryers at hauling trucks sa NFA.
Inatasan ni Piñol na ang mga NFA regional offices na sakaling kukulangin pa ng logistics, maari nilang gamitin ang anumang pondo upang maka-upa ng mga hauling trucks at mahakot ang produkto ng mga magsasaka.
Gagamitin din ng DA ang P5 bilyon sa ilalim ng National Rice Program para ipambili ng karagdagan pang mga dryers at pangsuporta sa pagtatanim ng palay.
Asahan din na may parating pang ayuda mula sa P10 bilyon Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na inaasahan nang i-release ng Department of Budget and Management (DBM).
Magugunita na ibinalik ang NFA sa ilalim ng DA bilang pagbabagong kung saan ang kalihim ng agrikultural ang Chairman ng NFA Council.
Naitaas din ang presyo ng pamimili ng NFA mula P17 bawat kilo “clean and dry” at ginawa itong P20.40 sa indibiwal na magsasaka at P20.70 sa mga kooperatiba.
Cash-to-cash na ang bayaran at wala nang maraming requirements na hinihingi.