Tiniyak ni Agriculture Secretary William Dar na mas malalampasan pa nila ang .04 percent na paglago sa
sektor ng Agrikultura sa ika apat na hati ng 2019.
Ayon Kay Secretary Dar, kumpiyansa siya na may positibong resulta na ang Rice Competitiveness Enhancement Fund sa 1st semester ng 2020.
Maliban dito, pinatitibay nila ang mga pundasyong nabuo sa pakikipag-partner sa local government units, private sector, mga farmers’ at fishers’ groups.
Sa Kabila ng pagsalanta ng African Swine Fever at epekto ng mga nagdaang bagyo, tumaas pa rin ng .04 percent ang sektor ng Agrikultura sa ika apat na hati ng 2019.
Sa report ng Philippine Statistics Authority, naitala ang 1 percent na paglago sa mga pananim, 5.4 percent sa poultry, 3.4 percent sa pangisdaan at 8.5 percent sa livestock.