Tiwala ang Department of Agriculture (DA) na makakamit pa rin ang target na palay production sa 4th quarter ng 2020 sa kabila ng mga bagyong nanalasa sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, bagama’t tumama ang mga bagyo sa mga major rice-producing provinces sa Luzon, maituturing na two percent lang ng projected fourth quarter harvest na 8.4 million MT ang napinsala.
Aniya, dahil sa maagap na weather advisories, naisalba ng mga magsasaka ang nasa P7.66-billion na halaga ng produksyon ng palay bago tumama si Bagyong Quinta habang P16.99-billion naman kay Bagyong Rolly.
Facebook Comments