Hinihinalang drug pusher, arestado sa Marikina City

42

Bumagsak sa kamay ng mga Operatives ng Marikina City Police Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PLt. Antonio G. Balois Jr. ang hinihinalang drug pusher makaraang magsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. Sto Niño, Marikina City.

Kinilala ni Marikina Chief of Police PCol. Restituto B. Arcangel ang suspek na si Jeffrey Espiritu, 32-anyos, napabilang sa unified watchlist at residente ng Brgy. Sto. Niño, Marikina City.


Nakumpiskahan ang suspek ng siyam na pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 15 gramo at nagkakahalaga ng P102,000, isang pirasong coin purse, isang pirasong digital weighing scale at P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa suspek.

Facebook Comments