Inatasan na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang rapid response team nito para maghatid ng agarang tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa Mindoro Island.
Ang deployment ay naglalayong magbigay ng agarang lunas at masuri ang pinsala sa agrikultura na dulot ng matagal na tagtuyot.
Inatasan din ng kalihim ang National Food Authority na tiyakin ang pamamahagi ng stock ng bigas sa affected populations sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development.
Dahil sa lumalalang sitwasyon, umapela si Tiu Laurel sa local government units sa buong Mindoro na opisyal na magdeklara ng state of calamity kung kinakailangan.
Ang nasabing deklarasyon ay magbibigay-daan sa Department of Agriculture (DA) na magbigay ng komprehensibong tulong sa mga apektadong komunidad.
Kabilang dito ang tulong pinansyal, mga input sa agrikultura tulad ng mga buto ng pananim, at mga alagang hayop.