DA, magkakaloob ng P25,000 soft loan sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng Bagyong Odette

Sumampa na sa P2.6 billion ang pinsalang idinulot ng Bagyong Odette sa sektor ng agrikultura sa Visayas at Mindanao.

Sa datos ng Department of Agriculture (DA), aabot sa 34,747 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo mula sa Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao at Caraga.

Ayon kay DA Assistant Secretary for Operations Engr. Arnel de Mesa, pinakamalubhang tinamaan ng bagyo ang rice sector kung saan umabot sa P1.6-billion ang halaga ng pinsala; P856-million sa palaisdaan; at P80-million sa taniman ng mais at iba pang high value commercial crops.


Samantala, handa na ang inilaang P1.7 billion na ayuda ng DA para sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng bagyo.

Kabilang dito ang P1-billion na gagamitin sa repair at rehabilitasyon ng mga nasirang pasilidad; seed reserve na P150-million para sa palay, P50-million sa mais at halos P15 million para sa mga assorted vegetables na maaaring kunin ng mga magsasaka kapag handa na ulit silang magtanim.

Bukod dito, magkakaloob din ang ahensya ng sure aid assistance na P25,000 soft loan.

Wala itong interes at pwedeng bayaran sa loob ng sampung taon.

Facebook Comments