ILANG ELECTRIC CORPORATION SA PANGASINAN TUTULONG PARA SA POWER RESTORATION SA VISAYAS

Tutulong ang ilang Electric Corporation sa Pangasinan para sa power restoration sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette.

Kahapon, bumyahe na ang Task Force na binuo ng Dagupan Electric Corporation upang magbigay ng tulong sa Visayan Electric Company sa mga lugar na walang kuryente.

Kabilang sa task force ang ilang line man at security team ng korporasyon.


Matatandaan na isa sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette ay ang Cebu na nagdulot ng malawakang pagbaha, pagkasira ng bahay at pangkabuhayan ng mga residente.

Samantala, ilang non-government organizations sa probinsiya ang nag organiza ng donation drive para sa mga biktima ng bagyo. #ifmnews

Facebook Comments