Nakipag-partner ngayon ang Department of Agriculture (DA) sa isang American university upang malabanan ang African Swine Fever o ASF at iba pang sakit na pumipeste sa mga hayop.
Kasunod ito ng pagpirma ng DA ng tatlong academic agreement sa University of Minnesota para bigyang kapasidad ang Bureau of Animal Industry (BAI) at ang National Livestock Program nito laban sa transboundary animal diseases.
Sa ilalim ng naturang academic partnership, ibabahagi ng University of Minnessota ang kaalaman ng kanilang mga faculty, scientist at mga technical staff sa DA.
Magsasagawa rin ng mga joint conference, symposia at iba pang aktibidad.
Parehong magbebenepisyo ang DA at US sa naturang programa dahil mapagkakaisa ang research at practice sa pag-detect ng Transboundary Animal Diseases (TADs) na alinsunod sa global standards ng animal product trade.