Pinapalantsa na ng Department of Agriculture (DA) ang isang sistema ng pagtunton o traceability ng mga livestock at poultry, partikular ang baboy at manok gayundin ang mga meat at processed product.
Ayon kay Agriculture Secretary Wiliam Dar, layunin nitong matiyak na alinsunod ito sa government policies.
Ito ang nakikita ng ahensya na panlaban sa potential price manipulation sa hog at poultry sectors.
Isang inter-connected registration at accreditation process ang ipapatupad kung saan direktang makikipagtulungan ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa mga lokal na pamahalaan para mag-isyu ng Handler’s License to Operate sa livestock traders.
Ang National Meat Inspection Service (NMIS) naman ang mag-a-accredit at magre-register sa mga meat transport vehicle.
Ang draft ng administrative order para sa trader registration ay kasalukuyang sinusuri ng BAI para masigurong ang system ay may kaakibat na transparency at tunay na magbebenepisyo ang consuming public.