Nilinaw ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., na sa memorandum na kanyang nilagdaan ay lahat ng mga shipment mula sa Australia na nai-transit o natanggap sa mga pantalan bago ang official communication ng naturang kautusan sa mga awtoridad ng Australia ay pinapayagan maliban ang naturang produkto ay nai-produce ng bago ang May 9, 2024.
Kaugnay ito sa pag-ban na ipinagbabawal ang importasyon ng mga domestic at wild birds mula sa Australia matapos na iulat ng World Organization for Animal Health ang outbreak ng H7N3 at H7N9 na highly pathogenic avian influenza virus.
Sa Memorandum Order No. 21, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na ipinagbabawalan na mag-angat ng mga wild at domestic birds mula sa Australia kabilang ang poultry meat, day old chicks egg at semen habang sinuspinde ang pag-iisyu ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearances ng Bureau of Animal Industry (BAI).
Nakapag-angkat na ang Pilipinas ng 46,987 na ulo ng day-old chicks at 30,780 piraso ng hatching egg.