DA, muling nanawagan sa mga LGU na palakasin ang direktang pamimili ng palay sa local farmers ngayong harvest season

Muling nanawagan sa mga provincial Local Government Units (LGUs) ang Department of Agriculture (DA) para bumili ng palay at mais ng direkta sa mga local farmer ngayong peak harvest season.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang pamimili aniya ng LGU ay akma sa pagpupursige ng DA at National Food Authority (NFA) na makabili ng maraming supply gamit ang P10 billion procurement fund para ngayong taon.

Inatasan na rin nito ang NFA na i-roll-over pa ng dalawang beses ang kanilang procurement para makabili ng P20 billion worth ng palay.


Sabi pa ng kalihim, lahat ng provincial governments ay maaaring maka-avail ng utang sa Land Bank of the Philippines ng hanggang P2 billion na may 2% interest para ipambili ng palay, farm machineries at post-harvest facilities.

Dahil limitado lang sa buffer stocking ang binibiling palay ng NFA, maaari umanong makabili ng direkta ang provincial LGUs pati na ang grains industry stakeholders sa pamamagitan ng negotiated contracts sa Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs).

Umaasa ang DA na mauulit pa ang tagumpay ng palay procurement noong nakalipas na taon na nakabili ng P30 billion halaga ng palay sa tulong ng provincial LGUs.

Facebook Comments