Nanawagan si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., sa publiko na huwag abusuhin ang
ang P29 Program.
Ang P29 Program ay isang inisyatibo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na layong magbigay ng de-kalidad na bigas sa halagang P29 kada kilo sa mga piling benepisyaryo kabilang ang mga miyembro ng 4Ps, solo parent, at senior citizen.
Sinabi ni Secretary Tiu Laurel na mahalagang maiwasan ang pang-aabuso sa programang ito, tulad ng pagbebenta ng mga benepisyaryo ng bigas na binili sa mas mababang presyo.
Aniya, gustong siguraduhin ng DA na ang pinakamaraming bilang ng mga nasa mahihirap na sektor ay makikinabang sa programang ito ng pamahalaan.
Simula bukas, makakabili na ng tig-29 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa centers sa Metro Manila at Bulacan.
Ito ay isasagawa tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Nasa 10 kilo naman ang maaaring mabili ng mga benepisyaryo sa loob ng isang buwan. Pinapayuhan naman na magdala ng ID ang mga mamimili ng bigas.