Inihahanda ng Department of Agriculture (DA) ang ilang mga programa upang maganyak ang mga kabataang Pilipino na magkaroon ng interes sa sektor ng agrikultura.
Sa ginanap na send-off ng 23 scholars na sasailalim sa farm training sa Japan, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na magbibigay ang DA ng pondo upang mas maraming kabataang Pinoy ang makilahok sa international exchange programs.
Layunin nito na makakuha ang mga ito ng mga bagong teknolohiya at mga kaalaman sa larangan ng agrikultura.
Ani Tiu Laurel, katulad niya, nahasa ang kaniyang kakayahan dahil sa ipinapadala siya noong kaniyang ama sa iba’t ibang pagsasanay sa ibang bansa.
Kabilang sa kaniyang napuntahan ay ang Japan noong siya ay 17 anyos pa lamang.
Facebook Comments