DA, nagkaloob ng fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda sa Calabarzon at Bicol

Muling ipinagpatuloy ng Department of Agriculture (DA) ang pagkakaloob ng fuel subsidy sa mga lokal na magsasaka at mangingisda sa bansa.

Ito ay matapos na bisitahin ng DA ang mga nagtatanim ng mais at mangingisda sa Calabarzon.

Layon nito na tulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fuel subsidy upang makaagapay sa tumataas na presyo ng petrolyo.


Aabot sa P3,000 ang matatanggap ng mga magsasaka’t mangingisda mula sa gobyerno.

Kasunod ng pamamahagi ng fuel subsidy, inilunsad din ng DA ang rice competitiveness enhancement plan, rice farmers financial assistance sa Calabarzon.

Layun din nito na makapagbigay rin ng financial assistance sa iba pang mga magsasaka.

Maliban sa Calabarzon, isinagawa rin ang pamamahagi ng fuel subsidy sa bahagi ng Bicol Region.

Facebook Comments