Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng ₱100 million para palakasin ang Research and Development ng University of the Philippines -Los Baños para sa pagdevelop ng mataas na klase ng binhi at pagtatayo ng storage facility.
Ayon kay Assistant Secretary Noel Reyes, partikular na mabebenipisyuhan nito ay ang College of Agriculture and Food Sciences.
Aniya, ang ₱50 million ay gagamitin sa Research Crop Protection Center na magsasaliksik sa mga sakit sa pananim, ₱30 million naman ang ibibigay sa Institute of Plant Breeding habang ₱15 million ang ilalaan sa vegetable seeds production at crop improvement.
Ang nalalabing ₱20 million ay ilalaan sa pagtatayo ng packaging facility sa loob ng campus na magsisilbing storage at trading facility para sa farmers sa Laguna.