DepEd Central Office, nangangailangan ng mga doktor

103

Nangangailangan ng medical doctors ang Deparment of Education (DepEd) Headquarter sa Pasig City.

Ito ang inanunsyo ng DepEd sa kanilang Twitter account kasunod ng nalalapit na pagsisimula ng blended learning sa darating na October 5.

Ayon sa DepEd, ang hiring ng mga doktor ay para matugunan at mapangasiwaan ang mga kaso ng Coronavirus disease sa kanilang Central Office.

Paliwanag ng DepEd, bukod sa regular na kailangang mga dokumento, maaaring makipag-ugnayan ang sinumang interesadong licensed doctors sa General Services Department ng DepEd o kaya ay magsumite ng kanilang resume sa email address na medical.nursing@deped.gov.ph.

Maari ding makita ang job hiring post na ito ng DepEd sa kanilang Twitter at Facebook accounts.

Facebook Comments