Friday, March 6, 2026

DA, naglabas ng Show Cause Order laban sa isang kumpanya sa Makilala, North Cotabato na sangkot sa illegal na paggawa at pagre-rebag ng fertilizer

Naglabas ng Show Cause Order ang Department of Agriculture (DA) laban sa isang kumpanya sa Makilala, North Cotabato dahil sa umano’y illegal na paggawa at pagre-rebag ng fertilizer.

Ayon sa Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), natuklasan sa isang surprise inspection noong February 20 na gumagawa at nagre-rebag ng fertilizer ang DQB Green Agricultural Products Trading kahit nag-expire na noong January, 2026 ang license to operate nito.

Isinagawa ang inspeksyon matapos makatanggap ang ahensya ng anonymous complaint tungkol sa illegal fertilizer production.

Agad naglabas ang mga awtoridad ng Stop Use, Move, and Sale Order sa 1,352 sako ng fertilizer na nakita sa pasilidad.

May limang araw ang DQB para magpaliwanag.

Ayon sa DA, bahagi ito ng mas mahigpit na kampanya ng ahensya laban sa illegal fertilizer operations para maprotektahan ang mga magsasaka at ang agricultural supply chain.

Facebook Comments