DA, nagpalabas ng P262-M para solusyunan ang paghina ng banana exports ng Pilipinas

Nagpalabas ang Department of Agriculture ng P262.7 million para makapagtanim ng mga saging o banana varieties na ligtas sa sakit na fusarium wilt.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang P100 million na mula sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 ay gagamitin upang i-rehabilitate ang mga fusarium wilt-affected banana sa Mindanao.

Kasunod naman ito ng napaulat na pagbaba ng 10% ng pag-eeksport ng saging sa ibang bansa.


Ayon pa kay Dar, kapag hindi nasolusyunan ang mga hamon, mabibitawan ng Pilipinas ang share nito sa banana market sa ibang bansa.

Maaapektuhan din aniya ang maraming banana farmers na dito iniaasa ang kanilang kabuhayan.

Facebook Comments