Nagpalabas ng bagong price freeze ang Department of Agriculture (DA) sa piling agricultural products habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila at ilang lugar.
Sa ilalim ng administrative circular # 10 na pirmado ni Agriculture Secretary William Dar, bahagyang tumaas ang ilang basic agricultural at fishery commodities sa bagong Suggested Retail Price (SRP).
Tumaas ng pitong piso ang kada kilo ng bangus na mula sa dating SRP na P162- P169.
Nanatili naman sa Php 120 ang kada kilo ng tilapia medium.
Sampung piso ang itinaas ng kada kilo ng galunggong lokal mula sa Php130-Php140, galunggong imported Php 180 per kilo.
Tumaas ng P25 ang pork liempo mula Php 225- Php 250, whole chicken ay 130 pa rin.
Nanatili pa rin sa P6.50 ang itlog.
Sugar brown – P45.00
Refined sugar- P 50.00
Cooking oil – P50.00 ( 1 liter)
Onion mula P95- P100 (1kg)
Well-milled – P40 .00
Imported rice special – P52 .00 (per kilo)