DA, nakapagkaloob na ng ₱8.5B para maibangon ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda na sinalanta ng sunod-sunod na bagyo

Naibigay na ng Department of Agriculture (DA) ang inisyal na ₱8.5 billion na halaga ng interbensyon sa mga magsasaka at mga mangingsida na nasalanta ng sunod-sunod na bagyo.

₱2.34 billion ang naibigay sa mga naapektuhan sa Cagayan Valley at ₱1.07 billion naman sa Bicol Region.

Sinusundan ito ng Cordillera Administrative Region – ₱382 million
• Region 1 (Ilocos) – ₱313.8 M
• Region 3 (Central Luzon) – ₱281.5M
• Region 4A (CALABARZON) – ₱736 M
• Region 4B (MIMAROPA) – ₱914 M


Ayon kay DA Undersecretary for Operations Ariel Cayanan, kabilang sa mga ipinamahagi ay mga dekalidad na inbred, hybrid rice, corn at mga vegetables seeds, cassava seed pieces, mga fertilizers, farm machinery at equipment, mga paitluging manok, pato, pugo, alagaing kambing, native na baboy, mga animal feeds, veterinary drugs at biologics.

Para sa pangisdaan, nakapagbigay ang DA ng fingerlings, fiberglass na bangkang pangisda.

Umabot na sa Php12.8-B ang halaga ng iniwang pinsala sa agri-fishery sector ng pitong sunod na bagyo na tumama sa bansa.

Facebook Comments