DA, nakapagtala ng 1.6 % na paglago nitong second quarter

Lumago ng 1.6% ang sektor ng agrikultura sa ikalawang quarter ng taon sa kabila ng pagbaba ng ekonomiya dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, gagamitin nila ang nasabing paglago para sa agri-fishery sector na target na mapataas ang consumer spending at makapanghimok ng mas maraming investment ang bansa.

Maliban sa muling pagbuhay sa ekonomiya ng bansa, iginiit ni Dar na dapat ding pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang food security ng mahigit 109 milyong Pinoy sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa.


Facebook Comments