Social media account ni Angel Locsin, sinubukang i-hack

107

Inamin ng aktres na si Angel Locsin sa pilit na pangha-hack ng kaniyang email at social media accounts.

Sa kaniyang Instagram stories, ibinahagi ni Angel ang screenshot ng notice na “temporarily locked” ang kanyang email.


May na-monitor kasing “recent login” sa email ni Angel mula sa Miami, Florida, USA.

Bilang bahagi ng security features ng email at social media accounts, otomatikong nagla-lock ang account kapag ilang beses na may nagtangkang mag-log in dito.

Kilala si Angel sa walang takot na paglalahad ng kanyang mga saloobin tungkol sa iba’t ibang national issues.

Facebook Comments