Inihayag ng pamunuan ng Department of Agriculture (DA) na nakikipag-ugnayan na sila sa mga alkalde sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan upang hikayatin na magbukas at palakasin ang Kadiwa Outlet.
Sa ginanap na virtual presser ng Inter-Agency Task Force o IATF Task Group on Food Security, sinabi ni DA Assistant Secretary for Business Kristine Evangelista na nakikipag-ugnayan na sila sa mga alkalde sa Metro Manila upang himukin ang mga ito na magtayo ng Kadiwa Outlets sa kanilang mga lugar para na rin makatulong sa kanilang mga kababayan.
Paliwanag ni Evangelista, kinakailangan lamang na makipag-ugnayan sa DA kung nais nilang magtayo o magbukas ng Kadiwa Outlet sa kani-kanilang mga lugar.
Bukod sa Kadiwa, matagal na umanong nagsasagawa ng Community Quarantine ang DA katuwang ang Kadiwa store kung saan nakipa-ugnayan sila sa mga magsasaka para matulungan na rin ang mga ito.
Nilinaw ni Evangelista na grant ang kanilang ibinibigay sa mga magsasaka at hindi utang dahil alam umano nila ang hirap na sakripisyo na ginagawa ng mga magsasaka kaya nais nila itong matulungan.