DA, nakikipag-ugnayan pa sa FTI para sa pagbabalik ng mga sibuyas sa Kadiwa Stores

Nakikipag-ugnayan pa ang Department of Agriculture (DA) sa Food Terminal Incorporated (FTI) kaugnay sa pagkuha ng panibagong supply ng mga sibuyas na ibebenta sa mga Kadiwa Store.

Kasunod ito ng pagtigil muna ng pagbebenta ng mga sibuyas sa kadiwa stores ng mga pula at puting sibuyas matapos ma-expire ang Memorandum of Agreement.

Sabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, nakadepende ito sa bagong supplemental moa sa pamamagitan ng FTI na siyang bumibili ng mga sibuyas.


Hihintayin din muna nila ang liquidation report mula sa FTI kaugnay sa kung magkano ang nagastos at ang listahan ng mga magsasaka kung saan sila bumili ng mga sibuyas, imbentaryo at kung may mga natitira pang stocks.

Nasa ₱140 million ang pondong inilabas ng DA sa unang cycle ng pagbebenta ng mga sibuyas sa Kadiwa Stores.

Facebook Comments