Miss USA, kinoronahan bilang Miss Universe 2022

Itinanghal na Miss Universe 2022 ang pambato ng Estados Unidos na si R’bonney Gabriel.

Si Gabriel, isang Filipina-American, ang ika-siyam na kandidatang nagdala ng korona sa USA matapos ang pagkapanalo sa 71st Miss Universe pageant na ginanap sa New Orleans sa United States.

Nanalo si Gabriel dahil na rin sa kaniyang sagot sa final question and answer kung saan tinanong siya kung ano ang magagawa niya para maipakita ang layunin ng Miss Universe Organization.


Sabi ni Gabriel, gagamitin niya ang fashion para ipaalam sa mundo ang mga nangyayari at magsilbing daan para sa pagbabago sa ikabubuti ng mas marami.

Itinanghal naman na first runner-up si Amanda Dudamel ng Venezuela at second runner-up si Andreina Martinez ng Dominican Republic.

Hindi nakapasok sa Top 16 si Celeste Cortesi na ating pambato kung kaya’t natapos na rin ang 12 taon na streak ng bansa para sa semifinal round ng Miss Universe.

Facebook Comments