DA, nakikipag-ugnayan sa China para makakuha ng mas mababang presyo ng fertilizer

Sa hangaring matugunan ang fertilizer requirement para unang planting season ngayong taon, nakikipag-usap ngayon ang Department of Agriculture (DA) sa China para sa mababang presyuhan ng fertilizer.

Ayon kay Fertilizer and Pesticide Authority Chief Wilfredo Roldan, mangangailangan ang bansa ng abot sa 600,000 metric tons ng fertilizer para first planting season.

Sa kasalukuyan, may inventory ang DA na 200 MT ng fertilizer.


Sa ngayon, ang presyo ng commonly imported fertilizer na urea ay nasa USD900 per ton na kapag ibinenta ng retail ay nagkakahalaga ng P2,400 hanggang P3,000 per bag.

Mas mahal na kung ikukumpara sa presyuhan noong February at March 2021 na naglalaro lang sa USD300.

Ang pagsipa ng presyo nito ay bunsod ng mataas na demand sa India, Australia, United States, at Brazil.

Habang ang mga malalaking suppliers, tulad ng China ay iniipit ang kanilang exports para iprayoridad ang kanilang domestic requirements.

Facebook Comments