Price cap para sa self-administered COVID-19 antigen test kit, target na mailabas ngayong linggo

Target ng Department of Health (DOH) na mailabas ngayong linggo ang bagong price cap sa self-administered COVID-19 test kits na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa umiiral na public health emergency sa bansa, P960 ang magiging price cap sa antigen test kit.

Hiwalay aniya ang price cap para sa self-administered test kit.


Nilinaw naman ni Vergeire na walang itinakdang limitasyon kung ilang self-test kit lamang ang maaring bilhin ng isang indibidwal.

Facebook Comments