Nakipag-partner ang Department of Agriculture (DA) sa Local Government Units (LGUs), veterinarians at private firm para mapigilan at makontrol ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, malugod nilang tinatanggap ang suporta ng Univet Nutrition and Animal Healthcare Company (UNAHCO) at ng Philippine College of Swine Practitioners (PCSP) na tutulong sa kagawaran sa pagpatutupad ng ‘Bantay ASF sa Barangay.’
Katuwang din nila ito para sa hog industry repopulation program.
Mahigpit din ang kanilang kooperasyon sa mga LGU para sa pagpapatupad ng biosecurity measures nang mapigilan ang pagkalat ng ASF sa Luzon at maprotektahan ang ‘green zones’ sa Visayas at Mindanao.
Popondohan din ng DA ang mass production ng ASF test kits sa pamamagitan ng Central Luzon State University (CLSU) na ipapamahagi sa LGU partners, UNAHCO, PCSP at hog raisers.