Namahagi ng ₱6.4 milyong halaga ng rice seeds ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka sa buong bansa upang mapataas ang ani at financial income ng mga ito.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa, nasa 582,780 na ektarya ng lupa ang sasakupin ng ibinahaging hybrid at inbred rice seeds sa pamamagitan ng National Rice Program (NRP).
Naipamahagi na rin ng NRP ang ₱5.32 million na halaga ng hybrid seeds at ₱1.11 million certified seeds sa mga kwalipikadong benepisyaryo ngayong taon.
Sa Memorandum Order No. 58 Series of 2021, matatandaang ipinaliwanag ni dating Agriculture Secretary William Dar na ang hybrid rice seeds ay may mas mataas na ani kumpara sa inbred rice, at mula noon ay isinulong na ng DA ang hybrid rice sa mga magsasaka.