CCTV footage sa NAIA 1 departure area, ni-re-review na ng mga otoridad matapos tumalon ang isang lalaki

1333

Ni-re-review na ng Airport Police Department ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kuha ng CCTV camera sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1 departure area.

Layon nito na matukoy kung may nangyaring foul play o sadyang tumalon ang isang lalaki sa paliparan.

Ang lalaki ay isinugod sa MIAA Medical Clinic bago dinala sa ospital dahil sa matinding pinsala sa katawan na tinamo nito.


Siya ay kinilala sa nakuhang ID mula sa kanyang bag na si Michael Laureño, 26 years old ng Sto. Tomas, Batangas.

Ayon sa mga naka-saksi, bigla na lamang silang nakarinig ng malakas na kalabog sa harapan ng AGMES Office sa ground floor ng NAIA Terminal 1 kung saan nakita si Laureño na nakabulagta sa semento.

Facebook Comments