DA, namigay pa ng P7-million para sa kabuhayan ng mga magsasaka na biktima ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas

Namahagi pa ng P7-million ang Department of Agriculture sa mga magsasaka sa Batangas na naapektuhan noon ng pagputok ng bulkang Taal.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, 100 kalabaw at 100 baka ang naipamahagi sa mga magsasaka sa mga bayan ng Taal, San Jose, at Malvar.

Ang bigay na tulong ay bahagi pa rin ng suporta ng gobyerno sa ilalim ng Taal Recovery and Rehabilitation program na layong mabigyan ng alternative assistance ang mga magsasaka.


Bukod dito, may mga nauna nang nabigyan ng alagaing hayop ang DA-Regional Office kabilang ang mga magsasaka sa Lipa City, Mabini, San Jose at Laurel.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga local official ng lalawigan sa DA na anila’y patuloy na sumusuporta sa mga magsasaka para maibangon muli ang sigla ng kanilang kabuhayan.

Facebook Comments