Walang “oversupply” ng mga bawang sa MIMAROPA region.
Ito ang nilinaw ni DA-Mimaropa Regional Executive Director Antonio Gerundio kasunod ng lumabas sa social media hinggil sa “disposal” ng nasa 70 metric tons ng bawang sa Lubang, Occidental Mindoro.
Ayon kay Gerundio, batay sa report ni Elsie Toverada, OIC-Municipal Agriculture Office sa Lubang, ang pitumpung metriko toneladang bawang na tinutukoy sa viral post ay ang natitirang inani na nag aantay na lamang na mabili.
Sinabi pa ni Gerundio na kung mayroon mang oversupply ng bawang, maari naman itong itabi “in normal condition” sa loob ng anim hanggang walong buwan.
Higit sa lahat, hindi opsyon ang pagtatapon sa mga aning-bawang kapag hindi nabenta ang mga ito.
Facebook Comments