DA: Pilipinas, aangkat ng 25,000 MT na isda

Pinayagan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng 25,000 metriko toneladang isda.

Ito ay upang matiyak na sapat ang suplay ng isda sa mga palengke bago ang closed fishing season na magsisimula sa October 1 hanggang December 31, 2024.

Sa ilalim ng Memorandum Order No. 17, mga small pelagic fish gaya ng tamban, galunggong, mackerel at bonito ang pwedeng angkatin.


Sabi ni DA Spokesperson Nazzer Briguera, inagahan nila ang paglalabas ng utos upang hindi magkaroon ng delay sa pagdating ng mga isda.

Samantala, mas mababa sa 35,000 metric tons allowable imports noong 2023 ang aangkating isda ng bansa ngayong taon.

Facebook Comments