DA, pinag-aaralan ang moratorium sa pagpapatupad ng FAO No. 195 o ang pagbabawal ng BFAR sa pagbebenta sa palengke ng isdang pampano at pink salmon

Ikinokonsidera ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabawal ng pagbebenta ng isdang pampano at pink salmon sa mga palengke.

Ito’y sa harap na rin ng pag-ani ng negatibong reaksyon mula sa publiko ng naturang crackdown sa bentahan ng naturang imported na mga isda.

Kaugnay na rin ito sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na simula sa December 4 ay kukumpiskahin na nila ang mga pampano at pink salmon kung makikitang inilalako sa palengke.


Ayon kay Agriculture Spokesperson Rex Estoperez, sisilipin nilang muli ang implementasyon ng Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195 o ang kautusang nagbabawal sa pagbebenta sa palengke ng piling imported na isda gaya ng pink salmon at pampano.

Plano ng DA na makipag-usap sa mga mambabatas kung napapanahon pa ba ang naturang kautusan lalo pa’t panahon na ngayon ng Kapaskuhan.

Nauna na ring pinaiimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang naturang kautusan dahil taong 1999 pa pala ito naipalabas.

Facebook Comments