MIAA, may persons of interest na ng mga nasa likod ng human trafficking gamit ang pekeng MIAA access pass

Kinumpirma ni Manila International Airport Authority (MIAA) Assistant General Manager at Spokesman Bryan Co na may persons of interest na sila kaugnay ng human trafficking sa NAIA gamit ang pekeng access pass.

Ayon kay co, mahigit sa limang katao ang kanilang iniimbestigahan na mga indibidwal na nasa likod ng naturang modus.

Aniya, ilan sa mga ito ay mga taga-airport at mayroon din aniyang mga sibilyan na kasabwat.


Tumanggi muna si Co na pangalanan ang persons of interest dahil patuloy pa aniya ang kanilang imbestigasyon dito.

Sa ngayon, nai-turnover na ng MIAA sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang apat na mga babaeng biktima ng human trafficking.

Ang naturang mga biktima ay tinangka sanang isakay sa flights patungo ng mga karatig na bansa na magsisilbing layover nila papunta sa kanilang destinasyon.



Facebook Comments