DA, pinag-aaralang ibaba sa ₱125 ang SRP ng sibuyas

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) na ibaba pa ang suggested retail price (SRP) ng sibuyas.

Sa harap ito ng pagdating ng mga imported na sibuyas at inaasahang peak ng anihan ng nasabing gulay.

Sabi ni DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, para matiyak na bababa ang retail prices ng sibuyas ay ikinokonsidera nila na itakda ang SRP nito sa ₱125 kada kilo.


Mahigpit din daw nilang babantayan ang mga palengke.

Pero aminado ang opisyal na may posibilidad na hindi makasunod ang mga palengke sa srp.

Matatandaang bago dumating ang mga imported na sibuyas ay pumapalo sa ₱700 ang bentahan nito sa merkado.

Facebook Comments