DA, pinaghahandaan na ang epekto sa sektor ng agrikultura ng tensyon sa Middle East

Pinaghahandaan na rin ng Department of Agriculture (DA) ang pagkakaloob ng fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda kasunod ng paglahok na rin ng Estados Unidos sa pa atake sa Iran.

Aniya, sa ngayon kasi, ang banta ng Iran na isara ang strait of Hormuz, kung saan 20 percent ng mga pangangailangan sa produktong petrolyo ay dito dumaraan.

Aminado si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na magkakaroon ng dagdag sa gastusin sa transportasyon ng mga produktong agrikultura dahil sa epekto ng tensyon sa Middle East.

Nauna na ring nag-anunsyo ang malalaking kompanya ng langis na magpatupad ng malaking dagdag presyo sa produktong petrolyo.

Aniya, hihintayin muna nila ang programa ng Department of Energy (DOE) sa fuel subsidy upang makita kung maaaring maisabay ang mga nasa agriculture sector sa maaaring mag-avail ng naturang ayuda.

Dagdag ni Laurel, maliban sa impact sa transportation ng agricultural goods, tatamaan din aniya ang preyo ng fertilizer kung magpapatuloy ang sigalot sa Iran at Israel.

Gayunman, sa ngayon ay nabili na ng DA ang mga fertilizer na ipinamamahagi sa mga magsasaka kung kaya’t sa susunod na cropping season na mararamdaman ang epekto nito.

Facebook Comments