
Ikinabahala ng ilang senador ang lalong tumitinding tensiyon sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, bagama’t malayo sa Pilipinas ang kaguluhan ay hindi pa rin maiiwasang mag-alala lalo’t maraming inosenteng sibilyan ang damay kasama na ang ating mga kababayan.
Kaugnay niyan, muling hinimok ng senador ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ibang ahensiya ng gobyerno na patuloy na tiyaking handa para sa kaligtasan at anumang pangangailangan ng mga Pilipino roon.
Ayon kay Estrada, kaisa siya sa panalangin para sa ating mga kababayan sa Israel at Iran na naipit sa gulo.
Samantala, suportado naman ng mambabatas ang panawagan na magkaroon ng bukas na komunikasyon upang matigil na ang bakbakan.
Batay sa ulat ng NDRRMC, daan-daang mga Pilipino ang napinsala ang tinitirhan sa Israel dahil sa palitan ng airstrikes ng dalawang bansa.