DA, pinaigting ang mga hakbang sa pagkontrol ng hindi matukoy na sakit na tumama sa mga baboy

Pinaigting pa ng Department of Agriculture (DA) ang mga hakbang para labanan ang tumataas na bilang ng mga baboy na namamatay sa bansa, lalo na sa Rizal Province.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar – nagpapatupad na sila ng mahigpit na quarantine measures sa mga lalawigang apektado ng hindi pa matukoy na hog disease.

Aniya, inilagay na ang mga ito sa 1-7-10 protocol kung saan isasailalim sa culling ang mga apektadong baboy.


Tinutunton na rin ng DA ang mga apektadong baboy na ibiniyahe sa iba pang lugar.

Nanawagan ang ahensya ng kooperasyon sa backyard hog raisers at titiyaking mabibigyan sila ng tulong.

Facebook Comments