DA, pinakilos na ang mga field officer nito para i-monitor ang agricultural areas na tatamaan ng Bagyong Odette

Pinakilos na ng Department of Agriculture (DA) ang mga field officer ng ahensya para i-monitor ang mga agricultural area na sinasalanta ng Bagyong Odette.

Pinamo-monitor ng DA ang mga nasirang pananim na palay at mais sa CARAGA, Central Visayas, Misamis Oriental, Camiguin, Southern Leyte, Negros Occidental, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands, at Southern Leyte.

Tinatayang aabot sa 601,088 ektarya ng pananim na palay o katumbas ng ng 64.56 percent ng standing crop ang maaring masira.


Habang nasa 265,480 ektarya na pananim na mais o katumbas ng 77.41% ng standing crops ang mapipinsala.

Pinahahanda na rin ni Agriculture Secretary William Dar ang mga interbensyon para sa mga magsasaka kung sakaling masira ang kanilang pananim.

Nakahanda na ang mga rice at corn seed, at mga assorted vegetable na ipapamahagi sa mga maapektuhang magsasaka.

Magbibigay rin ang DA ng gamot at biologics para sa livestock at poultry, Survival and Recovery Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council.

Babayaran din ng Philippine Crop Insurance Corporation ang mga insured farmer na malulugi sa kanilang pananim.

Facebook Comments