DA, pinapakilos ng isang senador laban sa tumataas na presyo ng manok

Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Senator Imee Marcos ang Department of Agriculture o DA kung bakit biglang tumaas ang presyo ng manok sa merkado kahit hindi naman nagkukulang ang supply nito.

Naniniwala si Marcos na maaring sinasamantala ng mga sindikato ang mataas na demand ngayon ng manok matapos pumutok ang African swine fever o ASF scare.

Ipinaliwanag ni Marcos na ang cartel ng manok ay kayang-kayang laruin ang presyo at palabasin na merong shortage ng manok kahit wala naman kaya dapat kumilos agad ang DA.


Ayon kay Marcos, ang bawat kilo ngayon ng dressed chicken ay umaabot na sa P180 hanggang P200 mula sa dati nitong presyo na P140 hanggang P150.

Binanggit pa ni Marcos ang pahayag ng DA na inaasahang tataas pa ang presyo ng manok pagpasok ng Disyembre na tiyak magpapahirap na naman sa mamimili.

Facebook Comments