Wala pa sa bansa ang swine flu na natuklasan sa China.
Sa virtual presser ng Department of Agriculture (DA), sinabi ni Assistant Secretary Noel Reyes na hindi nag-iimport ng karneng baboy ang bansa sa China kung kaya’t malabong makapasok ang G4 strain na naka-infect na sa 10% ng mga trabahador ng hog industry sa China.
Gayunman, wala pang pinal na konklusyon na naipapasa sa tao ang naturang swine flu.
Sa kabila nito, hindi dapat magpaka-kampante. Agad ipaalam sa Bureau of Animal Industry ang mga flu-like symptoms o mga kaso ng pagkamatay ng mga alagang baboy.
Facebook Comments