Mag-ama na sangkot sa kidnap-for-ransom at dating miyembro ng Kuratong Baleleng, naaresto sa Zamboanga Sibugay

241

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang mag-amang sangkot sa kidnap- for -ransom at dating miyembro ng Kuratong Baleleng sa isinagawang operasyon sa Purok Santan Poblacion, Naga, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ni PNP-AKG Director Police Brigadier General Jonnel Estomo ang mga naaresto na sina Rico Piator alyas Kokoy at kaniyang ama na si Julian Piator.


Nahaharap ang mag-ama sa kasong robbery with homicide sa Misamis Occidental.

Sinabi naman ni PNP-AKG Spokesperson Police Major Ronaldo Lumactod, lumipat ang mag-ama sa Zamboanga City mula Misamis Occidental matapos ang naging operasyon ng awtoridad laban sa Kuratong Baleleng na kalaunan ay nabuwag din.

Sumali anya ang mga ito sa grupo ni Mamay Aburi na nasa ilalim naman ng pamumuno ni Abral Abdusalam na sangkot sa kidnapping, gun-for- hire at robbery extortion sa bahagi ng Zamboanga.

Sa ngayon, nai-turnover na sa Ipil Municipal Police Station ang mag-ama para sa documentation.

Facebook Comments