Pinayuhan ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na huwag na munang bumili ng kilo-kilo ng sibuyas matapos mag-triple ang presyo nito.
Ito ay matapos pumalo sa P550 ang kada kilo ng large na sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila habang P440 kada kilo ang mas maliit dito.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, ang suggested retail price (SRP) ng sibuyas ay nasa P170 kada kilo lamang habang ang farmgate prices ay nasa P300 kada kilo.
Dahil dito, mas makakabuti na lamang aniya na bumili ng sibuyas kung ano lang ang makakayang bilhin.
Facebook Comments