![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2022/12/SWAB.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Inirekomenda ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa pamahalaan ang pagpapatupad ng mas mahigpit na travel restrictions laban sa China.
Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa maraming lugar sa China.
Nais din ni Bautista na isailalim sa COVID-19 test ang lahat ng mga pasaherong dumadating sa bansa mula sa China.
Sa ngayon, limitado pa rin ang biyahe ng commercial flights mula Pilipinas patungong China.
Facebook Comments