Ayon kay Regional Crop Protection Center (RCPC) Chief Mindaflor Aquino na magsasagawa sila ng pagbisita sa mga palayan na hinihinalang mayroon ding Rice Black Bug.
Kasunod nito, mas pinaigting nila ang field visitation sa iba pang mga pinaghihinalaang lugar na may pesteng RBB.
Nakitaan naman ng kinakailangang mabilis na pagkontrol sa pagdami ng bilang ng mga pesteng Atangya kasabay ng malawakang pagpapakalat ng impormasyon kung paano mapapamahalaan at makokontrol ang peste sa nakalipas na buwan.
Ayon pa kay Aquino, hindi nagkulang ang ahensya sa pagpapaalala sa mga magsasaka tungkol sa RBB bilang information campaign sa pamamagitan ng technical briefing at pamamahagi ng Information, Education & Communication (IEC) materials sa RBB sa rehiyon.