Cauayan City, Isabela- Ipinapaalam ng Department of Agriculture (DA) Region 02 sa pamamagitan ni Regional Executive Director Narciso Edillo na ang naturang ahensya ay nagbibigay ng identification (ID) card para sa mga magsasaka bilang passes sa mga checkpoints upang hindi maantala sa pagbiyahe at pagtatrabaho sa bukid.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga interesado na makipag-ugnayan lamang sa DA regional office sa San Gabriel, Tuguegarao City o sa mga provincial research outreach station at dalhin ang mga sumusunod:
Para sa mga walk-in,
1. Certification mula sa munisipiyo na pirmado ng Municipal Agriculturist at noted ng Municipal Mayor na kayo ay isang magsasaka at mayroong sinasaka sa ibang bayan;
2. Kopya o photo copy ng titulo, tax declaration, deed of sale o anuman na patunay ng inyong pag-aari at 2×2 ID picture.
Para sa grupo, Maaring sumulat ang Municipal Agriculturist at noted ng Municipal Mayor sa Regional Executive Director ng DA-RFO 02 na nakalagay na doon ang pangalan ng mga magsasaka na mabibigyan ng ID.
Ipapadala na lang ng DA regional office ang mga ito sa kanyang provincial research outreach station na nakakasakop upang doon na lang kukunin ng minsanan.