INIREKOMENDA ng Department of Agriculture (DA) Region 1 ang pagtatanim ng mga crops na katumbas ng palay na hindi masyadong nangangailangan ng tubig tulad na lamang ng mais, gulay, at kamote.
Ayon kay Engineer Dennis Tactac, ang mga pananim na kanilang inirerekomenda ay hindi nangangailangan ng maraming tubig, kung saan talagang hindi aaray masyado ang mga magsasaka.
Samantala, kung hindi maiwasang magtanim ng palay, payo nilang ipuwesto ito sa mga dadaanan ng kanilang patubig o gumamit ng alternate wetting and drying para sa maayos na pagtatanim.
Paalala ng DA Region 1 sa mga magsasaka na maging maagap na, ngayon pa lang, sa lahat ng posibleng maging epekto ng El Niño, sa kanilang mga pananim. | ifmnews
Facebook Comments