MAS MAAYOS AT MAALIWALAS NA PALENGKE SA BAHAGI NG DOWNTOWN SA DAGUPAN CITY, IKINATUWA NG MGA MAMIMILI

Ikinatuwa ng mga mamimili ang pagiging mas maayos at mas maaliwalas na hanay ng mga vendors sa bahagi ng Downtown sa Dagupan City.
Ito ay matapos na magsagawa ang awtoridad ng malawakang clearing operation matapos na magpwesto ang mga negosyanteng nagrenta para sa Baratilyo.
Ang mga mamimili, mas gumaan at mas nadalian sa pamimili lalo at kitang kita na umano nila ang mga pwesto kung saan ang mga produktong kanilang bibilhin.

Sinisiguro naman ng awtoridad na patuloy na tatalima sa patakarang ito ang mga vendors para sa patuloy na pagsasaayos at mas malawak na kakalsadahan para madaanan ng mga mamimili.
Samantala, mas madali na rin umanong nadadaanan ng mga pampublikong sasakyan ang kalsada sa Galvan at Jovellanos Street dahil sa clearing na isinagawa. | ifmnews
Facebook Comments